93
Palasyo kay VP Leni: Manahimik na sa saboy taho issue
By

Palasyo kay VP Leni: Manahimik na sa saboy taho issue

Hindi na dapat palakihin ang isyu ng pagsasaboy ng taho ng isang Chinese national sa isang unipormadong pulis sa Metro Rail Transit (MRT) Mandaluyong station at gawing national issue.

Tugon ito ng Palasyo sa pagsawsaw ni Vice President Leni Robredo sa isyu para pag-initin ang mga tao na maaaring mag-udyok ng tensiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na na maaaring maresolba ang isyu sa level ng Philippine National Police (PNP) at huwag na itong idikit sa iba pang isyu.

Pinayuhan ni Panelo ang pangalawang Pangulo na dapat iwasang maglabas ng mga pahayag na maaaring makapagdulot ng mas malaking isyu.

“Maybe it’s a wake-up call to her to stop speculating and stop giving statements that may inflame incidents that need not be so,”ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na walang special treatment na ibinibigay ang gobyerno sa inarestong Chinese national,patunay dito ang pagsusulong ng PNP sa deportasyon nito.

Sinabi pa ni Panelo na may mga pambabastos ding ginagawa ang ilang dayuhan, hindi lamang ang chinese, kundi maging ang ilamg koreano.

Kasabay nito, pinayuhan ng Malacañang ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa na sumunod sa batas kung ayaw nilang mapabalik sa kanilang bansa.

“Foreign nationals who sojourn in this country should always behave, otherwise they are subject to laws and deportation. We will not allow them to disrespect authorities or violate any law or ordinance in this country,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?