46

By

Palasyo binanatan ang mga ‘desperadong’ kritiko dahil sa Netflix show

Galit ang Malacañang sa mapanira at malisyosong paglalahad ng isang komedyante sa Amerika sa sitwasyon ng Pilipinas at paghahalintulad kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang “autocrat” na ipinalabas sa Netflix sa mismong araw ng eleksyon sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na malinaw na desperadong hakbang ito ng mga kritiko ng Pangulo nang gamitin ang comedy show ni Hasan Minhaj sa Netflix para siraan si Pangulong Duterte.

Desperado na aniya ang mga kalaban ng Pangulo kaya puro kasinungalingan ang ipinapakalat sa international community.

“We express outrage that such erroneous narratives, obviously peddled by anti-Duterte haters and trolls, would find their way to the gullible TV host and his comedy show and unwittingly parrot these falsehoods to an audience unaware of the real score in the Philippines,” ani Andanar.

“We find it desperate that, on the eve of the Philippine midterm elections, the vociferous detractors of President Rodrigo Roa Duterte would use an American comedy show, aired on Netflix, to demonize the Chief Executive and his government in its episode entitled “Brazil, Corruption and the Rainforest” before the global audience,” dagdag pa niya.

Pinalitaw umano ni Minhaj sa kanyang show na ang Pangulo ay mamamatay-tao at umabot na sa 27,000 ang mga napapatay na Pilipino.

Taliwas aniya ito sa naitala sa Real Numbers PH na 5,050 drug personalities na nai-record simula noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2018.

Sinabi ng kalihim na para sa kaalaman ni Minhaj, anim sa sampung Pilipino ang nagpatunay na bumaba ang bilang ng mga addict sa kanilang lugar at iginiit na epektibo ang kampanya kontra iligal na droga, habang pito mula sa sampung Pilipino ang nagsabing naniniwala silang seryoso ang Duterte administration na malutas ang mga pagpatay sa bansa.

Hindi rin nagustuhan ng Malacañang ang pamumuna ni Minhaj sa ginawang pag-endorso ni Pangulong Duterte ng kanyang mga kandidato para sa Senado dahil gaya aniya ng Amerika, ang Pilipinas ay mayroong demokrasya at mananaig ang kagustuhan ng mga tao at ito ay iginagalang ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?