2,653

By

Pakyu ng Indonesian player kinagalit ng volleyball fans

Buwisit ang PH volleyball fans sa kayabangan ng isang player ng Indonesia men’s national volleyball team.

Trending ang hashtag na #Randu dahil sa kagaspangan ng ugali ni Putu Randu.

Bukod sa pagdi-dirty finger nito, nag-neck slitting gesture pa ito sa Pinoy fans na nanood ng laban ng Indonesia at Philippine men’s volleyball team sa 30th South Asian Games nitong Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nahablot ng mga Indonesian ang gintong medalya matapos paluin ang 21-25, 25-27, 17-25 win kontra Filipino spikers.

Dinemolis nina Rivan Nurmukli, Doni Haryono, Sigit Ardian at Putu Randu sina Marck Espejo at Bryan Bagunas.

Sa kabila nito, nakuha pang mang-asar si Randu at magpakita ng kawalang respeto sa mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?