101

Apr 6, 2020 @ 21:53
By

Pakinggan: Bagong kanta ng Ben&Ben napapanahon sa COVID crisis

Ngayong pinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, marami sa mga netizen ang na-inspire at nakita ang koneksyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa nilabas na bagong kanta ng bandang Ben&Ben.

Sa post ng grupo sa kanilang Facebook page, makikita ang draft ng kantang ‘Nakikinig ka ba sa akin?’ na inawit at tinugtog ni Paolo Guico.


Marami ang humanga sa awit at sinabing napapanahon ito ngayong humaharap ang bansa sa coronavirus at marami ang nagpapahayag ng kani-kanilang opinyon hinggil sa paraan ng gobyerno na rumesponde sa krisis.

Narito ang ilan sa comment ng mga netizen:

“Huhuhu. Bat ang ganda? Napapanahon talaga sa nararanasan natin ngayo,” sabi ni Dorothy Grace Agustin.

“I love how it sounds like a love song. Pero as I read between the lines, I realized na this was a song of peace tungkol sa nangyayari ngayon sa bansa. We are currently experiencing a crisis, and the population is divided. Sana ma-achieve na natin ang peace soon! #LabanPilipinas,” ani Aj Figueras.

Sabi ni Tanya Huggins, “Ang ganda ng message ng kanta. This is very timely because of so many different political and social views and opinions with regard to COVID-19. We need to listen, compromise, and help each other to beat this crisis and heal as a nation.”

Komento naman ni Samuelle Athena Villegas, “The fact that it can be a love song and a song that we can all relate to due to the current events happening in the world. Thank you for the wonderful song.”

Narito ang lyrics ng kanta:

Sasalubungin kita sa dulo ng ‘yong galit
Uunawain kita para di tayo maging
Epidemyang di matapos tapos sugpuin
O problemang di makita sa’n ang salarin
tayo ba ay naging makasarili?
sarado ba’ng tenga sa mga hiling?

nakikinig ka ba sa akin?
hindi kita gustong awayin
pareho ang ating hangarin
ang kadiliman ay basagin

Kung meron kang pupurihin, sige lang, gawin mo yan
Kung meron kang babatikusin, sige lang, gawin mo yan
Magagawan din ang lahat ng paraan

nakikinig ka ba sa akin?
hindi kita gustong awayin
pareho ang ating hangarin
ang kadiliman ay basagin

Sasalubungin kita sa dulo ng ‘yong galit

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?