276
Ai-Ai mala-J.Lo sa bikini photo
By

‘Pakinabang’ ng Ex Battalion, patama kay Ai ai?

Muling bumalik sa spotlight ang grupong Ex Battalion sa pag-release ng bagong kanta na ‘Pakinabang’.

Apat na araw ding nasa top spot ng Youtube trend ang kanta, na hinangaan dahil tila nag-iba ng imahe ang grupo.

Nawala ang mga seksing babae maging wala ni isang mura sa kanta, ngunit tingin ng mga fan ay may iba pang kahulugan ang ‘Pakinabang’.

Makikita sa mga comment ng kanilang mga fan ang pangalan ng aktres na si Ai ai delas Alas, na dating manager ng hip hop group.

Ayon sa mga nakapanood ng music video, may pagkakalapit ang itsura ng crying lady kay Ai ai, na matatandaang emosyunal nang mag-quit bilang manager ng grupo.

Dahilan noon ni Ai ai, unprofessional umano ang grupo at hindi na sumasakit ang ulo buhat nang bitawan ang Ex Battalion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?