152

By

‘Pakinabang’ ng Ex-Batallion matagal nag-trending!

Apat na araw nang namamayagpag sa YouTube ang bagong kanta ng Ex-Batallion na ‘Pakinabang’.

Agosto 5 na-upload ang music video ng bagong kanta ng Ex-B, na binubuo nina Bosx1ne, Skusta Clee, Flow-G, Brando, Emcee Rhenn at King Badger.

Simula Agosto 6 ay trending na ito sa streaming site, at patuloy pa ang pag-akyat ng views na may lampas 4M views na.

Saad ng mga fan, natuwa sila sa bagong image ng Ex-B na wala nang mga babaeng seksi sa music video, pati mura ay natanggal din sa lyrics.

“Mas maganda pag ganto lagi music video, No sexy girl, No money, No say bad word,” ayon kay pagdila hamis.

“a little bit creepy. but its so nice at the same time. No Bad words. No sexy girls. So Smooth : )” saad naman ni Purple Baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?