186

Mar 30, 2020 @ 7:18
By

Pakikiramay bumuhos sa doktor na nasawi sa nagliyab na eroplano

Hindi pa man nilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng nagliyab na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport bumuhos na sa social media ang pakikiramay at dasal sa doktor na kasamang nasawi sa 8 sakay nito.

Sa tweet ni Senador Richard Gordon, sinabi niyang kabilang sa sakay ng eroplano ay flight medic, nurse, doctor, tatlong flight crew, isang pasyente at kasama nito.

Ayon naman kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Canadian, American national at anim na Pilipinong crew ang mga sakay ng WW24 aircraft RPC 5880 na pag-aari ng Lion Air.

Marami rin ang nalungkot dahil sa pagkalagas pa ng doktor sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?