6,793

By

Paki-explain, sinong ignorante? – Lacson kay Duterte

Sumagot si Senador Panfilo Lacson sa naging patama ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihan siya nitong ‘trying to be a crusader but ignorant’.

Sa Twitter ay bumanat si Lacson kay Duterte, binalikan ang isyu kung saan sumang-ayon si Duterte sa pagtanggap ng mga pulis ng regalo.

“Duterte OK with cops accepting ‘gifts’ out of gratitude, earning extra cash from video-karera” – Is this not graft Mr President? Pray tell, who is ignorant?” ayon sa senador.

Naglabas naman ng statement si Lacson, sinabi na ‘exaggerated’ lang umano ang naging banat sa kanya ni Duterte.

Nilinaw din nito na wala pa siyang balak sa pagka-Pangulo sa 2022, taliwas sa sinabi ni Digong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?