51

By

Painters waiting kay Chris Tiu

Kung maglalaro pa si Chris Tiu o tuluyan ng magre-retire ay isang mala­king katanungan.

Lalo na para kay Rain or Shine coach Caloy Garcia na hinihintay na lamang ang desisyon ni Tiu para maumpisahan na ng husto ng kanyang Elasto­ Painters ang kanilang paghahanda para sa darating na bagong PBA season.

Hindi sumipot si Tiu sa unang araw ng regular­ na praktis ng Rain or Shine kahapon at hindi­ alam ni Garcia kung pipirma ulit ng bagong kontrata ang player pagkatapos mapaso ang kanyang dating two-year contract noong isang buwan.

“Si Chris na lang tala­ga ang hinihintay namin for us to really move forward in our preparations,” sabi ni Garcia.

“Kapag pumirma ulit siya then it will be a big boost for us. Pero kung hindi, then we can only thank him and just hope that the rest of our veteran­s can fill the void,” dagdag niya.

Kung sakaling magpasya nga si Tiu na tuluyan ng mag-retiro, maaatang sa mga balikat nila Jericho Cruz, Mave­rick Ahanmisi at Jeremy King ang responsibilidad para angklahan ang guards-based na sistema ni Garcia.

Higit pa sa kanyang averages na .8 points, 2.6 rebounds at 2.1 assists sa 29 na laro noong nakaraan­g season ang kontribusyon ni Tiu sa team.

Isa siya sa malaking­ dahilan kung bakit naratin­g ng Rain or Shine ang playoffs sa tatlong conferences.

“Aside from the numbers, his leadership on-court was really important for us,” wika ni Garcia.

Si Tiu na lang talaga ang hinhintay ng E-Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?