27

Oct 12, 2019 @ 18:34
By

Pahirapang panalo sinungkit ni Sisi, Petron

Mga laro Linggo/Oktubre 13:

(FilOil Flying V Center)

1:00pm – Generika vs Foton

3:00pm – F2 Logistics vs Sta. Lucia

5:00pm – PLDT vs Petron

Humugot ng lakas ang Petron Blaze Spikers kay Cherry Ann Rondina upang sikwatin ang mahirap na 25-11, 20-25, 25-22, 25-27, 16-14 panalo kontra Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga Invitational Conference Sabado sa Caloocan Sports Complex.

Nangailangan ng five sets ang Blaze Spikers upang ilista ang malinis na 5-0 karta at hawakan ang top spot sa Pool C.

Nalasap naman ng HD Spikers ang unang talo sa anim na laro, pero tiyak na rin silang sasampa sa semifinals.

Nagtala si Rondina ng 29 attacks at apat na service aces para sa Blaze Spikers na naghabol sa deciding fifth set.

“I’m giving my best talaga at hindi kami tumitigil hangga’t nasa itaas ang bola,” hayag ni Rondina.

Abante ng limang ang HD Spikers, 9-4 sa set 5 pero humarurot ang Petron para itabla ang iskor sa 14-all.

Naging matatag ang Blaze Spikers, humataw ng dalawang sunod na puntos para tapusin ang laro.

Nagtala si Aiza Maizo-Pontillas ng 21 puntos habang tumikada si Bernadeth Pons ng eight markers, 19 digs at six excellent receptions para sa Blaze Spikers na haharapin ang No. 2 team sa Pool D sa susunod na phase.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?