690
Papasok sa ‘Magic 12’ botante ang magpapasya – Panelo
By

Pagwawagi ng mga anak ni Duterte, hindi political dynasty – Panelo

Hindi nakikita ng Malacañang ang isyu ng political dynasty sa naging panalo ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na midterm elections.

Ito ay matapos na muling mahalal si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at mahirang na vice mayor si Sebastian habang nanalo naman sa pagka-kongresista si Paulo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong magkakaibang dynamics ang eleksiyon sa local level dahil kung ano ang gusto ng mga tao ay ito ang mananaig kahit pa magkakamag-anak ang nakapuwesto.

Sa kaso naman ng pamilya Estrada at Eusebio na natalo sa katatapos na halalan, sinabi ni Panelo na tatanggihan ka na ng mga tao kung hindi na sila naniniwala sa mga ito.

“Local elections have different dynamics. Sila lang ang nakakaalam doon with respect doon sa mga tinatawag na may dynasty, kung okay sa kanila iyong kanilang pamumuno sa panahon ng kanilang pamumuno eh siguradong iboboto sila uli, ibabalik. Pero kung hindi na sila naniniwala sa kanila ay talagang tatanggihan sila sa halalan. Iyon ang nangyari,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na nasa mga botante na ang kapasyahan kung sa inaakala nila ay mabuti o masama ang dynasty, katulad na lamang ng resulta ng halalan nitong Lunes.

“Kasi mayroong dynasty na maganda, mayroon ding dynasty na masama. And we have seen how the Filipinos or the Filipino electorate has rejected dynasties which they feel and believe to be no longer fruitful sa kanila; hindi beneficial sa kanila kaya ni-reject nila,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?