87

By

Pagtatayo ng power plant sa La Union, tinutulan ng obispo

Nanawagan ang isang obispo sa gobyerno na huwag nang ituloy ang planong pagtatayo ng P80 billion na halaga ng coal-fired power plant sa La Union.

Nababahala si San Fernando Bishop Daniel Presto sa negatibong idudulot ng proyekto sa kalusugan ng mga residente, pati na rin sa kapaligiran.

Hindi umano makatwiran ang pansamantalang ganansya sa ekonomiya kung ang kapalit naman ay pangmatagalang pagkasira ng kapaligiran.

“We could not in conscience recommend said plan,” saad ni Presto sa isang manifesto na binasa sa lahat ng mga misa sa San Fernando Diocese.

Ang 670-megawatt na planta ay itatayo sa 41 ektaryang property sa baybayin ng Carisquis at Nalvo Sur sa Bayan ng Luna.

Dagdag pa ni Presto, maaring magpalala ang proyekto ng distansya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap at maging dahilan pa ng pagtaas sa singil sa kuryente.

Babala pa ng obispo, hindi malayong maapektuhan ang kabuhayan ng mga mahihirap at makompromiso rin ang lokal na turismo.

“The promised benefits are plain deceptions,” giit ni Presto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?