53

By

Pagtatayo ng OFW Hospital, lusot na sa House panel

Inaprubahan na ng House panel ang ipanukalang pagpapatayo ng overseas Filipino workers (OFW) Hospital.

Partikular na inaprubahan ay ang Section 7 ng tax exemption ng House Bill 168 kung saan lahat ng grants, bequests, endowments, donations at contributions na ginawa para sa OFW Hospital at gagamitin lamang exclusively ng OFW Hospital ay awtomatikong malilibre sa donor’s tax, VAT at customs duty.

Layon ng HB 168 na magtatag ng OFW Hospital salig ang tertiary level ng pangangalaga.

Sasailalim ito sa full administrative at technical supervision ng Department of Health.

Inaasahan din makakapagbigay ang nasabing ospital ng comprehensive at total health care services sa lahat ng migrant workers kabilang na ang Overseas Workers Welfare Administration contributors at kanilang legal dependents at magsasagawa rin ng medical examinations.

Sa ilalim din ng panukala, magse-set up ng sistema na magmomonitor sa mga kondisyon ng mga pasyente.

Hihikayatin din itong makilahok sa health care provider network na may kaugnayan sa Universal Healthcare Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?