268
Pagtatanim bago diploma, aprub sa Kamara
By

Pagtatanim bago diploma, aprub sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang nagre-require sa mga estudyante na magtanim ng mga puno bago maka-graduate.

Layon umano ng “Graduation Legacy for the Environment Act” o House Bill 8728 na gawing requirement sa mga magtatapos sa elementarya, high school at kolehiyo na magtanim ng hindi bababa sa 10 puno bago makatanggap ng diploma.

Dapat umanong itanim ang mga puno sa alinmang forest lands, mangrove at protected areas, ancestral domains, civil at military reservations, urban areas sa ilalim ng greening plan ng local government units, abandonadong mga minahan at iba pang naaangkop na lupain.

Ang Department of Education at Commission on Higher Education ang naatasan na mag-implementa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?