43
Pagtaboy ng mga Chinese sa mga mangingisdang Pinoy, ipoprotesta
By

Pagtaboy ng mga Chinese sa mga mangingisdang Pinoy, ipoprotesta

Nakahandang maghain ng diplomatic protest ang gobyerno laban sa China kung totoong may panibagong insidente ng pananakot sa mga mangingisdang Pinoy sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng lumabas na video sa social media na itinataboy ng mga Chinese ang mga mangingisdang Pinoy.

Ayon kay Panelo, hindi hahayaan ng Pilipinas na i-harass at i-bully ng Chinese navy ang mga mangingisdang Pilipino dahil ang nakalipas na mga ganitong insidente ay naresolba na ng Pilipinas.

“We will make a diplomatic protest. There was an agreement not to touch them and then one incident, two incidents violates such agreement, then we have to tell them. And they will have to correct it. As far as I know, iyon nga ang sinasabi ko, iyon nga ang sinasabi ni Ambassador Zhao sa akin noon eh, hindi na nagagalaw iyong mga fisherman doon. So mukhang may nangyari sa usapan nila. Now if there is a violation, then we will have to go back to them, ‘Oh may violation daw, you better stop it.’ Basta the policy is you cannot be harassing our fishermen,” ani Panelo.

Duda ang kalihim na ang mga naglalabasang video clip kaugnay ng umano’y pagtataboy ng China sa mga Pilipinong mangingisda ay matagal nang nangyari kung saan naresolba na ito ng kasalukuyang administrasyon.

Aminado ang kalihim na sa ngayon ay kontralado ng China ang malaking bahagi ng South China Sea at walang laban ang Pilipinas sa naturang bansa kaya kailangan ng maingat na pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa pinag-aagawang teritoryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?