66

By

Pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa TV news team, iprotesta! – Trillanes, Villanueva

Iginiit ng mga senador sa Department of Foreign Affairs (DFA) na iprotesta ang pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa news team ng GMA Network, Inc. sa Panatag Shoal (dating Scarborough Shoal).

Sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi dapat palagpasin ang ganung asal ng mga dayuhan sa teritoryo ng bansa.

“Those are clearly acts of aggression. Yes, the DFA must file a diplomatic protest about the matter,” ani Trillanes.

Iginiit din ni Senador JV Ejercito na kondenahin ng gobyerno ang nangyari dahil maituturing na iyon na pambubuska.

“I am against the bullying of China ever since. I am not smiling with this latest development,” sabi ni Ejercito.

Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na sa pagsasampa ng protesta, maigigiit ng bansa ang karapatan doon.

“Yes, should file a diplomatic protest. In fact, this is a good opportunity for us to emphasize our claims to the West Philippine Sea,” pahayag ni Villanueva.

Itinaboy ng Chinese Coast Guard ang team ng GMA 7 senior reporter na si Jun Veneracion dahil wala raw permiso ng Chinese government ang pagkuha nito ng mga litrato at video sa Panatag Shoal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?