51

Aug 16, 2019 @ 19:25
By

Pagtaas ng ATM fees, isang taon nang ‘niluluto’ ng BSP

Mahigit isang taon nang pinaplano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang patakarang tutulong sa mga bangko na magtaas ng ATM fees.

Ayon sa BSP Memorandum No. M-2019-020 na pinirmahan ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier nitong Hulyo, inaprubahan ng Monetary Board (MB) noong Abril 19, 2018 ang pagtatanggal ng moratorium sa pagtataas ng ATM fees bago pa ito pamunuan ni BSP Governor Benjamin Diokno.

Ang pagtatanggal ng moratorium sa pagtaas ng ATM fees ay nakasaad sa Monetary Board Resolution No. 661.

Humingi ang Abante ng kopya ng resolusyon upang malaman ang dahilan sa pagkakatanggal ng moratorium ngunit sinabi ng BSP na confidential lahat ng mga MB resolution.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?