362

Feb 24, 2020 @ 20:07
By

Pagso-sorry ng ABS-CBN kay Duterte pinuri ni Robin

Pinapurihan ni Robin Padilla ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kontrobersiyal na political advertisement noong 2016.

Ayon kay Robin, sa wakas ay umamin sa pagkakamali si Katigbak dahil tunay umanong black propaganda ang inilabas ng mga ito laban sa Pangulo.

“Ako naman ay nagpapasalamat una sa Panginoong Dios at umabot sa pagpapakumbaba si Sir Carlo Katigbak ng abs-cbn dahil sa dami ng depensa ng mga opisyal ng abs-cbn isa lang muna po ang dapat umamin sa pagkakamali dahil tunay na black propaganda ang inilabas nila laban kay Rodrigo Duterte kaya’t isang awit ng mga anghel sa pandinig ko ang marinig na mag-public apology ang president at ceo ng abs-cbn,” saad ni Robin sa kanyang Facebook post.

Magugunitang kinaiinis ng Pangulo sa ABS-CBN ang hindi naere na political advertisement nito nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 sa kabila na bayad naman ito.

Sa halip ay nagpalabas ang TV network ng negatibong patalastas laban sa kanya na mula umano kay dating senador Antonio Trillanes IV.

“We are sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by regulations that surround the airing of political ads,” paliwanag ni Katigbak sa pagdinig ng Senado tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?