37
Pagsakdal sa cyberlibel case vs Ressa, iniusog
By

Pagsakdal sa cyberlibel case vs Ressa, iniusog

Hindi matutuloy ngayong araw ang arraignment para sa kasong cyberlibel kontra kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ito ay dahil sa inihain na motion for reconsideration ng Rappler executive para iapela ang pag-deny ng korte ng Manila na ibasura ang kaso.

Dahil dito sa Mayo 17 pa maitutuloy ang pagsasakdal sa nasabing kaso na isinampa ng isang negosyante na si Wilfredo Keng.
Matatandaan na noong 2012 ay idinawit ang pangalan ni Keng kay dating Chief Justice Renato Corona, sinabing gumamot ito ng kotse mula sa negosyante ayon sa report ng Rappler habang nasasangkot sa impeachment case.

Iniugnay din si Keng sa iligal na droga, at sinabing kinausap ang Rappler para ipabura ang nasabing balita ngunit hindi nagkasundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?