325

By

Pagsabog muli ng Taal Volcano nakamamatay – Phivolcs

Tiyak na marami ang mamamatay sakaling mangyari ang pinangangambahang mapanganib na pagputok ng Taal Volcano na hanggang sa ngayon ay nasa Alert Level 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Danniko Rivera, Phivolcs Senior Science Research Specialist, ang sinumang indibiduwal na nasa 14-kilometer danger zone ay tiyak na mamamatay sa inaasahang pagsabog muli ng bulkan.

“Hazardous po iyon kasi mabilis ‘yung ganoong movement and mainit siya. Definitely deadly kung sinong nasa vicinity,” ayon kay Rivera.

Dahil sa patuloy na mga aktibidad sa loob ng bulkan, ang Volcanologists at Joint Task Force Taal ay malapitang nagsagawa ng pagmomonitor sa bulkan sa pamamagitan ng aerial inspection.

Ayon sa Phivolcs, mapanganib pa rin ang naitatalang aktibidad sa bulkan kaya hindi pa rin ibinababa ang Alert Level 4, na nangangahulugan na maaari itong magkaroon ‘hazardous explosive eruption’ ngayon, bukas o sa mga susunod na mga araw.

Paliwanag ni Rivera, kapag nangyari ang pinangangambahang pagsabog muli ng bulkan, asahan ang paggulong o ‘base surge’ o horizontal movement ng hot gases, volcanic fragments at abo ng 60 kilometers per hour na mas mabilis sa mga sasakyan sa kanilang average speed.

“What will kill you is when you breathe in the 600-degree air, that’s a fast death… You will be burnt. Maluluto ‘yan [your skin],” dagdag pa ng volcanologist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?