57

Feb 2, 2020 @ 17:57
By

Pagresponde sa ASF outbreak, mabagal – Piñol

Binatikos ni Mindanao Development Authority chair Manny Piñol ang kabagalan ng pagresponde ng mga awtoridad para iwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa Mindanao matapos makumpirma ang unang kaso ng sakit doon.

“Utter unpreparedness (Walang paghahanda),” sabi ni Piñol.

Rumonda ang MinDa kasama ang private sector sa Mindanao, umpisa na sa Don Marcelino, Davao Occidental kung saan natagpuan ang unang kaso ng ASF sa Mindanao. May kaso na rin ng ASF sa katabing bayan ng Malita.

“Even after the confirmation of an outbreak of the dreaded African Swine Fever in Don Marcelino, Davao Occidental, facilities to prevent its spread have not yet been established (kahit may nakompirmang kaso na ng ASF sa Don Marcelino, wala pa ring ginagawa para maawat ang pagkalat nito),” Piñol said.

Sa pag-ikot ni Piñol, nagpost pa siya ng picture sa isang quarantine station sa Malalag, Davao del Sur na may tatlong labador na may lamang disinfectant na patatapakan sa mga pasahero pagdaan nila.

“Diyos ko po! Kung ganito kabagal ang pagresponde ng gobyerno sa ASF, talagang kakalat ito,” sabi ni Piñol.

Si Piñol ang Agriculture Secretary ng nakapasok ang ASF sa bansa at parating sinasabi ni Agriculture Secretary William Dar na hindi niya panahon nang kumalat ang ASF sa Luzon.

Sabi ni Piñol, hindi tungkulin ng MinDa ang maging animal quarantine agency ngunit nakikipag-ugnayan ito sa ibang mga ahensiya para maayos ang problema dahil banta ito sa ekonomiya ng Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?