34

By

Pagre-record ng Grab sa mga biyahe inalmahan, NPC umaksiyon

Pinatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang Grab Philippines para sagutin ang mga reklamo laban sa audio at video recording nito ng mga pasahero sa mga biyaheng naka-book sa kanila.

Nilunsad ng Grab ang pilot testing ng audio at video recording ng mga biyahe nito ngayong linggo para umano sa kaligtasan ng mga pasahero at driver nito. Nagsimula ito nung Enero 13 at tatakbo nang dalawa hanggang anim na linggo sa mahigit 180 na sasakyan ng Grab Car.

“We understand that Grab designed their new systems as additional security to both drivers and passengers. But to avoid serious breaches of privacy, the commission must ensure that their new system is compliant with the Data Privacy Act and adhering fully to the principles of transparency, proportionality, and legitimate purpose,” sabi ni Olivia Khane Raza, hepe ng compliance and monitoring division ng NPC.

Pinapunta ngayong Miyerkoles, Enero 15, 2020, ng NPC ang data protection officer ng Grab na pinagdadala nito ng mga dokumento na magpapatunay na ang audio/video recording na ginagawa nito ay sang-ayon sa batas. Pinapadala rin ng una ang privacy manual ng huli, maging privacy impact assessment reports at privacy notices para sa passenger verification system nito.

Matatandaang nagkaroon ng mga insidente noong nakaraang taon kung saan kini-kidnap, kina-carnap at pinapatay ang ilang driver ng Grab Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?