55

By

Pagpirma ni Duterte sa 2019 budget, tinanggal sa iskedyul

Nakabitin pa rin ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget dahil hindi matutuloy ang ceremonial signing na itinakda sa Abril 15.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tinanggal sa calendar schedule ng Presidente ang aktibidad pero hindi aniya nito alam ang dahilan.

Masusi pa aniyang pinag-aaralan ng Pangulo ang enrolled bill sa pambansang budget dahil nais niyang makasiguro na naaayon ito sa batas.

“Pinag-aaralan niya. Kasi naka-calendar, tapos tinanggal sa calendar ‘di… pwede ring ibalik hindi ba? Lahat naman ng schedule niya subject to change without prior notice,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi pa niya nakakausap si Pangulong Duterte kaya hindi masiguro kung mapipirmahan ang pambansang budget bago o pagkatapos ng Semana Santa.

Naunang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na bago mag-Holy Week ay posibleng mapirmahan na ang 2019 national budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?