257

By

Pagpatay kay Christine Silawan, ginaya sa ‘Momo challenge’ ng killer

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief, General Oscar Albayalde ang mga pulis na nakaaresto kay Renato Payupan Llenes, alyas “Renren”, ang isa pang suspek sa brutal na pagpaslang kay Christine Lee Silawan.

Iprinisinta sa media nitong Huwebes si Llenes na umamin na sa pagpatay kay Silawan.

Itinulad umano ng suspek ang karumal-dumal na pagpatay sa nakita niya sa “Momo challenge” habang nasa impluwensiya siya ng droga.

Nadakip si Llenes hapon ng Abril 9 sa Bangkal Road, Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City dahil sa hindi lisensiyadong baril.

Gumamit umano si Llenes ng gunting sa pagpatay kay Silawan at pagbalat sa mukha nito na kinopya sa “Momo challenge”.

Nilinlang ni Llenes si Silawan sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng account sa Facebook sa pangalan na “CJ Diaz” at kalaunan ay naging secret lovers sila sa FB.

Marso 10 nang magdesisyon silang magkita sa Sacred Heart of Jesus Parish Church sa Barangay Pajac.

Ikinagulat umano ng biktima nang makita na matanda na ang suspek kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.

Nakarating sila ni Silawan sa bakanteng lote sa isang subdivision sa Barangay Bangkal habang nagtatalo.

Nagalit si Llanes nang aminin sa kanya ni Silawan na may boyfriend na ito at hindi na virgin.

Dito niya pinagsasaksak ng gunting at binalatan ang mukha ni Silawan.

Samantala, nakiusap si Llenes sa mga awtoridad na palayain ang 17-anyos na boyfriend ni Silawan dahil wala naman umano itong kasalanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?