98
Ninja cop laglag sa cleanliness policy ni Gen. Eleazar
By

Pagpaslang sa 3 BuCor official, posibleng dahil sa GCTA – Eleazar

Iimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ba ang pagpatay sa tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagpapalaya ng mga heinous crime convict sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar.

Kung saan ang huling napaslang si Ruperto Traya Jr., Administrative Officer ng prison bureau’s document processing division matapos itong pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem kamakailan sa Muntinlupa City.

Inihayag ng isa sa mga testigo sa Senado, na nakipagkita siya kay Traya para sa negosasyon sa ilang opisyal ng BuCor hinggil sa bentahan ng GCTA upang mapalaya ang kanyang mister mula sa bilangguan.

“Nitong lumutang nga itong issue sa GCTA at lumabas itong witnesses during the Senate hearing, itong GCTA naging probable motive din dito sa pagkamatay ni Traya,” ani Eleazar.

Ayon pa kay Eleazar, noong Setyembre 2018, pinagbabaril at pinatay din ng riding in tandem si BuCor Inspector Rommel Reyes at makalipas ang dalawang buwan ay pinatay din ang isa pang opisyal na si Angelita Peralta.

“Tinitingnan natin kung posible ba na itong mga napatay na kawaning ito e may kaugnayan ito. Pero sa ngayon, wala tayong nakitang lead na ganoon,” sabi pa ni Eleazar.

Sa ngayon ay wala pa aniya silang mga person of interest sa naganap na pagpatay sa mga opisyal ng BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?