41

By

Pagpapatupad sa Bangsamoro Organic Law, hindi pinigil ng Korte Suprema

Bigong makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema ang mga tumututol sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa regular en banc session ng Korte Suprema kanina, napagpasyahan na kunin muna ang komento ng Malacañang at ng Kongreso kaugnay ng petisyong isinampa ni Sulu Governor Abdusakur Tan at ng grupong PhilConSa.

Napagpasyahan din na pag-isahin na lang ang dalawang petisyon.

Dahil walang ibang utos na inilabas ang Korte Suprema, wala nang nakikitang iba pang legal na balakid para sa isasagawang plebisito sa January 21 at February 6.

Ang January 21 ay plebisito para sa ratipikasyon ng BOL na isasagawa sa ARMM, Cotabato City at Isabela city.

Ang February 6 namang plebisito ay para sa Lanao del Norte, North Cotabato, kasama ang ilang barangay na naghain ng kanilang petisyon para mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na una nang pinagbigyan ng Commission on Elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?