31
Bersyon ng Department of OFW ng DOLE ihahain ngayong buwan
By

Pagpapalaya sa matatandang bilanggo, pinatutukan ni Go

Bubuo ng task force ang Department of Justice (DOJ) para mapabilis ang proseso ng pagpapalaya sa mga matatanda nang inmates sa New Bilibid Prison (NBP), batay na rin sa rekomendasyon ni Senador Bong Go.

Ayon kay Go, siya mismo ang personal na nakiusap kay Justice Secretary Menardo Guevarra para iprayoridad ang mga matatandang bilanggo na kuwalipikado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

“Nakiusap na po ako kay Secretary Guevarra kasi tinanong ko talaga siya bakit po nauuna pang nakakalabas ‘yung mga nasa maximum. Dahil po ba mayayaman sila, may pambayad sila o may koneksyon sila na makaproseso sila?” lahad ni Go.

“Yun pong nandun sa minimum halos mamatay-matay na po at wala po silang ni pang-xerox man lang ng mga dokumento ha… ‘Yun po ang naiiwan dun. So he [Guevarra] will form a task force para po tutukan itong mga kaso ng mga qualified naman pong lumaya, lalong-lalo na po ‘yung mga matatanda,” dagdag ng senador. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?