58

By

Pagpapadukot at torture ni Duterte sa COA auditors “obvious” na biro – Sotto

Hindi na umano dapat palakihin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dukutin at i-torture ang mga tauhan ng Commission on Audit (COA).

Tulad ng sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, binigyang-diin ni Senate President Tito Sotto III na nagbiro lang ang pangulo.

Karaniwan na umano ang ganitong pagbibiro sa mga lokal na opisyal tulad ni Duterte na matagal na naging alkalde ng Davao City.

“You must remember the President was a mayor for a long, long time. Dun sa amin sa local politics at sa local governance, may kasama talagang ganun,” sabi ni Sotto.

“Well, obvious naman yung body English nya, obvious yun. Syempre hindi natin maiaalis dun sa ibang kababayan natin, yung mga conservative lalo na, ayaw nilang nakakarinig ng mga ganung linggo,” pahayag pa rin ni Sotto.

Naniniwala naman si Sotto na hindi ito seseryosohin kahit ng mga taga-COA.

Ang mga state auditor lang umano sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang natatakot dahil may mga pinatay na doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?