24

By

Pagkukumpuni ng mga korte sa Marawi, natapos na

Personal na nagtungo sa Marawi City ang ilang matataas na opisyal o personalidad ng Korte Suprema.

Magkakasamang nagtungo doon sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen at Court Administrator Jose Midas Marquez.

Dumalo at sinaksihan nila ang turn-over ceremony ng mga regional trial court na ipina-renovate ng provincial government ng Lanao del Sur.

Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni Carpio ang pamahalaang panlalawigan at nangako ito na tutulong ang Korte Suprema na maibalik ang kapayapaan at hustisya sa mga naging biktima ng Marawi siege.

Samantala, dumalo rin sa okasyon sina Lanao del Sur Vice Gov. Bombit Adiong, Marawi City Mayor Majul Gandamra at mga hukom ng Lanao at Cagayan de Oro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?