435

Jun 26, 2018 @ 14:54
By

Pagkatapos ng tambay, palaboy next target ni Duterte

Matapos ang kampanya laban sa mga tambay sa kalye, isusunod na ipaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bata at mga kabataang palaboy sa lansangan.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa mga bagong halal na barangay Chairmen sa Region 10 na isunod na linisin sa kalye ang mga menor de edad para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga ito.

Tulungan aniya ang mga pulis na pangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan sa kanilang mga nasasakupan.

“Wala tayong specific. Below 18 you arrest the teenagers there around loitering because we have to protect our children. Nagkalat na ang droga, nagkalat na ang lahat, and some of the young as early as 10,” anang Pangulo.

Kapag aniya may menor de edad na naglalamyerda sa lansangan sa dis-oras ng gabi ay dalhin agad ang mga ito sa presinto o barangay hall, tumawag ng mga tauhan ng DSWD, pakainin, bigyan ng counselling at palipasin ang magdamag at i-turn over sa mga batangay.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi ligtas sa kapahamakan ang mga menor de edad na gumagala-gala sa gabi dahil baka maging biktima ang mga ito ng hold-up, kidnap o rape.

“We are removing the minors, take them into custody . Tawagin mo yung DSWD diyan, pati yung barangay, you take care. Sabi ni Mayor, arestuhin for their own protection,” dagdag ng Preisdente.

Pero nilinaw ng Punong Ehekutibo na aarestuhin ang mga menor de edad hindi dahil mayroong krimeng nagawa kundi para sa ikabubuti ng mga ito.

“Aarestuhin yan for their own protection. They are not being arrested for any crime. It’s for their own good that they are arrested. Because under the parents patriae, which is the principle bedrock of pag-protect mo sa tao.,”dagdag pang pahayag ni Pangulong Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?