292

By

Pagkaladkad ng Farmers Mall sa transgender, kinondena ni Belmonte

Bilang ang lungsod ang may pinakaunang Gender Fair Ordinance sa Metro Manila, hindi katanggap-tanggap kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapalabas ng isang transgender matapos itong mag-CR sa pambabae ng Farmers Mall.

Sa statement ni Belmonte, diniin nito na pinoprotektahan ng lungsod ang karapatan ng bawat miyembro ng LGBT+ kontra diskriminasyon.

“Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT+,” ayon sa pahayag

Nakasaad din sa Gender Fair Ordinance ang pagtatayo ng ‘All Gender toilet’ sa mga pampublikong establisimiyento sa lungsod.

“Ipinag-uutos ko sa Business Permit and Licensing Department (BPLD) na siguraduhin na susunod, sa lalong madaling panahon, ang lahat ng business establishments sa ating Gender Fair Ordinance,” aniya pa.

Ito ay kaugnay sa nangyari kay Gretchen Custodio Diez na dinetine matapos gumamit ng pambabaeng palikuran.

Nireklamo ng unjust vexation si Diez ng Farmers ngunit kalauna’y inurong ito at nakalabas na sa Cubao police station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?