132

By

Pagdinig sa kasong katiwalian ni Enrile, aarangkada na

Magsisimula na ang pagdinig sa graft case ni dating senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng pork barrel scam.

Natapos na kasi ng Sandiganbayan ang pre trial stage ng kaso nitong Enero 11.

Nakatakda ang pagdinig sa Marso 19.

Nitong Biyernes ay dumalo si Enrile sa hearing kasama ang dati nitong chief of staff na si Gigi Reyes, na kapwa akusado niya.

Sa kabila ng kinakaharap niyang kaso, tatakbo sa pagka-senador ang 94-anyos na si Enrile sa darating na midterms elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?