41

By

Pagdinig sa kapalpakan sa eleksyon, itinakda sa Hunyo 4

Magsasagawa ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ng pag-iimbestiga hinggil sa mga “glitches” at iba pang problemang nangyari sa May 13 elections.

Ayon kay Senador Aquilino Pimentel III, gusto sana niya na mas maaga ito isagawa pero humirit ang counterparts niya sa Kamara na iusog ito ng petsa.

Dagdag pa ni Pimentel, sapat umano ang mga nangyaring glitches para sa isang congressional investigation.

“Why are we still having all these glitches? Cannot Comelec (Commission on Elections) anticipate them?” kuwestiyon ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?