71

By

Pagbubukas ng mga pelikula, tuwing Biyernes na

Para sa pagpapalakas sa Philippine cinema, inilipat ang theatrical release ng local at foreign films mula Miyerkoles patungong Biyernes.

Naglabas nitong Martes ang Film Development Council of the Philippines ng Memorandum Circular No. 2019-01 na nagsasaad ng bagong polisiya at panuntunan sa paglalabas ng mga pelikula sa mga sinehan.

“To push for Philippine cinema’s growth and development, new policies have been introduced via the MC which applies to both local and foreign films, including the switching of the theatrical release of local and foreign films nationwide from Wednesday to Friday to accommodate more potential moviegoers during the weekend,” saad sa statement ng FDCP.

Bababaan din ang presyo ng tiket para manood ang mga kabataan.

Itinakda ang tiket sa P200 para sa mga estudyanteng 18-anyos pababa sa Metro Manila habang P150 naman sa mga lalawigan tuwing Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?