39

By

Pagbawi sa travel ban kinatuwa ng Taiwan

Kinatuwa ng gobyerno ng Taiwan ang pagbawi ng Pilipinas sa ipinatupad na travel ban sa kanila dahil sa coronavirus.

Sa inilabas na pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO), sinabi nitong ginagawa naman ng pamahalaan ng Taiwan ang lahat para maawat ang pagkalat ng disease.

Patuloy ding makikipagtulungan ang Taiwan sa international community kabilang na ang Pilipinas laban sa COVID-19.

“The Republic of China (Taiwan) attaches great importance to its long-standing relationship with the Republic of the Philippines. We are determined to strengthen our bilateral ties and promote our people-to-people connectivity,” saad ng TECO.

Pinapurihan din ng TECO ang pagtulong ng Manila Economic and Cultural Office para maialis ang Taiwan sa PH travel ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?