59
Ilang narco-politicians isiniwalat na ni Duterte
By

Pagbasura ni Duterte sa P95.3B sa 2019 budget, welcome sa Kamara

Nirerespeto ng Kamara ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang P95.3 bilyong proyekto sa pambansang budget ngayong taon.

Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, susunod sila sa desisyon ng Pangulo.

Dagdag pa niya, sa paglagda sa budget ay makakapag-umpisa na ang gobyerno na maimplementa ang mga priority project ng Pangulo para sa mga Filipino.

“The House of Representatives will continue to work in harmony with the President’s desire to create a better life for every Filipino,” saad ni Castro.

Matatandaang hindi nalagdaan ang 2019 budget dahil sa hindi pagkakasunod ng Kamara at Senado sa mga insertion dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?