119

Apr 11, 2019 @ 12:31
By

Pagbaba ng insidente ng kahirapan hindi makatotohanan – Colmenares

Nais ni Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares na magsulong ng batas na magbibigay kahulugan sa kahirapan sa makatotohanang paraan, ito ay matapos na iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang poverty incidence ay bumaba ng 6.6 percent sa first half ng 2018 mula sa parehong panahon noong 2015.

Ayon sa PSA, noong 2018 ang monthly poverty threshold ng pamilyang may limang miyembro ay P10, 481 kada buwan kasama na umano rito ang gastusin sa pagkain.

Ibig sabihin ay ang mga pamilyang kumokonsumo ng higit sa naturang halaga kada buwan ay kinokonsiderang mahirap.

Ngunit ayon kay Colmenares, hindi umano kataka-taka na ipinipilit ng gobyerno na kaunti lamang ang naaapektuhan ng kahirapan.

“This has led to complacency and a very inadequate and tokenistic approach to poverty alleviation which should be the government’s main thrust,” saad ng Bayan Muna chair.

Pinalalabas umano sa naturang threshold na P338 pesos lamang kada araw ang magagastos ng pamilyang may 5 miyembro para sa pagkain, tirahan, damit, health care, edukasyon, transportasyon, utilities at iba pang gastusin ng pamilya.

“Maybe a figure somewhere around P15,000 for a family of five would be a more realistic poverty threshold. Congress should come up with legislation setting a better standard so that the PSA does not end up as a window dressing agency and fodder for government propaganda,” suhestiyon ni Colmenares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?