525

By

Pag-iyak ng lalaki sa kasal ng ex-girlfriend, viral!

Nagkaiyakan ang dating magkarelasyon sa kasal ng babae at nag-viral ito sa Facebook.

Mayroon nang mahigit 1.4 million views at 58,000 shares ang video sa social media.

Binahagi ng Facebook na AkocAne Kulitz FUN PAGE ang video ng groom, bride at ex-boyfriend habang nasa gitna ng wedding reception.

Hindi man maririnig ang audio ay tila bisita lang ang lalaki pero nalantad umano na ex ng bride ang una matapos nitong humagulgol sa pag-iyak.

Kapwa sila nag-iyakan at nagyakapan sa huling pagkakataon habang nakatayo lang at nakatingin ang groom.

Sari-saring reactions dito ng mga netizen.

May nagsabing hindi dapat nagpakasal ang babae sa ibang lalaki dahil kita namang in love pa ito sa kanyang ex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,