184
Pag-iyak nakakababa umano ng timbang
May 9, 2019 @ 15:15
By

Pag-iyak nakakababa umano ng timbang

Lumabas sa ginawang pag-aaral na makakatulong ang “emotional crying” sa pagpapababa ng timbang ng isang indibiduwal.

Ayon sa pag-aaral ng biochemist na si William Frey, ito umano ay dahil sa hormones na nagpapataas sa cortisol level na lumalabas kapag mataas ang iyong emosyon.

Nakakaalis din umano ang stress-induced tears ng maraming uri ng toxic substances mula sa katawan.

Dahil dito, hindi umano makakapag-imbak ang katawan ng maraming taba dahil nailabas na ang stressful hormones sa pamamagitan ng pag-iyak.

Pero aniya, eepekto lang ito kung totoo ang iyong pag-iyak dahil sa nararamdamang emosyon.

Payo rin ng mga siyentipiko, ang “the best time” para umiyak ay mula 7 hanggang 10 PM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?