24

By

Pag-iimbestiga ng DOJ sa ‘ninja cops’, magiging patas

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na magiging patas ang isinasagawa nitong reinvestigation sa kasong kinahaharap ng 13 na tinaguriang mga “ninja cop” na idinadawit sa kuwestiyonableng anti-drug raid sa Pampanga noong 2013.

Ito ang idiniin ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa isang text message.

Ayon kay Guevarra, natitiyak nito ang isang patas at malalimang imbestigasyon sa luma at bagong reklamo ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) laban sa mga inakusahang pulis.

Ayon sa kalihim, bibigyan ng DOJ panel of prosecutors ng due process ang dating PNP chief.

“For its part, the DOJ will conduct a fair and thorough investigation of the old and new charges and will afford General Albayalde his right to due process,” ayon kay Guevarra.

Nilinaw naman ng kalihim na ang paghahain ng amended complaint affidavit ng PNP CIDG ay repleksyon ng naging assessment ng PNP sa posibleng pananagutan ni Albayalde sa anti-drug raid ng mga tauhan nito noong siya pa ang Pampanga provincial director.

“The inclusion of General Albayalde in the amended complaint affidavit filed by the PNP-CIDG before the DOJ today is a reflection of their assessment that General Albayalde may be held criminally liable for the acts or omissions alleged in the complaint,” aniya.

Batay naman sa DOJ panel of prosecutors, padadalhan na rin nila ng subpoena si Albayalde para sa susunod na pagdinig nito sa Nobyembre 5.

Inaasahan din na magsusumite ang mga repsondent sa kaso ng kani-kanilang counter-affidavit sa Nobyembre sa amended referral complaint ng PNP- CIDG kaugnay ng drug raid ng tinaguriang “ninja cops” nang arestuhin nito ang umano’y Chinese drug lord na si Johnson Lee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?