541

Feb 24, 2020 @ 22:34
By

Pag-ere ng political ad laban kay Duterte, tinanggi ng GMA

Nilinaw ng First VP for Legal Affairs ng GMA na hindi inere ng TV network ang political advertisement laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinalakay sa pagdinig sa Senado nitong Lunes, Pebrero 24.

Naglabas ng statement si Atty. Ma. Luz Delfin para klaruhin ang kanyang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sabi ni Delfin, hindi inere ng GMA ang political ad laban kay noo’y presidential candidate Duterte na nagtatampok sa mga menor de edad na tinalakay sa Senado.

Ang dahilan aniya ng hindi pag-ere ng GMA sa naturang ad ay dahil hindi ito aprubado ng internal election committee ng network.

Tinutukoy daw ni Delfin na inere ng GMA ay ibang political ad.

Sa pagdinig ng Senate public services committee, ipinakita ni Senador Bong Go ang paid advertisement ni dating senador Antonio Trillanes IV noong 2016 na inere sa ABS-CBN kung saan pinapakita ang pagmumura at pagsasalita ng Pangulo tungkol sa kontrobersiyal na rape remark.

Sabi ni Go, mas pinili pa ng network ang pag-ere sa “black propaganda” kesa sa bayad nang lehitimong ads ni Duterte noong 2016 campaign period.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?