2,800

Apr 8, 2020 @ 11:54
By

Pag-epal ni Robin, binara ni Jonvic

Bumwelta si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mensahe sa kanya ni Robin Padilla ukol sa apelang isama ng gobyernong Duterte sa social amelioration program ang mga nasa middle class.

Sabi kasi sa Instagram ni Binoe, “Sir Governor alam ni mayor PRRD (Presidente Rodrigo Roa Duterte) ang ginagawa niya hindi puedeng sabay sabay sa isang bagsakan dahil limitado rin ang resources ng bansa wala pa tayong collection ng tax.”

“Kaya po sir governor kung sakaling ipahintulot pa ng Panginoon na makabalik pa tayo sa dating mundo aasahan ko ang muli mong pagtindig at paglutang kapag kakasahan na muli ni mayor PRRD ang mga oligarchs dahil ang makapagbibigay lamang ng kaginhawaan sa buhay ng mga middle class ay ang tamang sueldo tamang benepisyo at tamang karapatan para sa mga manggagawa/middle class,” aniya pa.

Tugon naman ni Remulla, kinailangan niya lang iparinig kay Duterte ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan.

Humingi rin siya ng pasensya sa tinanghali niyang sagot dahil buong araw aniya silang naghanda para sa mass testing ng mga Caviteño.

“Hindi ko intensyon na makadagdag pa sa problema ng Pangulo. Nasa balikat niya ang bigat ng problema ng lagpas 100M Fil. Ngunit di ko rin naman kayang talikuran ang kahirapan sa aming mga lansangan. Kailangan bigyan ng boses ang walang kakayahan pumasok ng Malacañang,” wika ng gobernador sa Twitter ngayong Miyerkoles.

“Sana po magtulungan na lang tayo. Ako na bahala sa mga tao ko. Ipaglalaban ko sila hanggang kamatayan. But please don’t waste the people’s time by engaging in talk that does not help. People are suffering,” sambit pa niya. “I am one with the President as you are. I serve at his pleasure and I am committed to the people of Cavite.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?