84

Jan 2, 2020 @ 18:56
By

‘Pag ‘di nagbabayad ng utang, gov’t institution pwedeng masibak

Kung kawani ka ng pamahalaan at hindi ka nagbabayad ng utang, umayos ka na.

Inaprubahan kasi kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bagong patakaran sa pagdidiswalipika ng mga direktor at opisyal ng mga bangko.

Kasama sa bagong rules ang pagsisibak sa anumang government institution ng mga delingkwente sa pagbayad ng mga utang o ang mga ayaw magbayad ng utang.

Sabi ng BSP, dinagdagan na ng Monetary Board (MB) ang grounds para magdiskwalipika ang mga director at opisyal sa isang bangko, at inaprubahan ang revised rules sa disqualification ng mga director at opisyal ng mga bangko para mapatatag ang pamamalakad doon.

Nilinaw ng bagong rules na idi-disqualify na rin ang kahit sinumang maging sanhi na pagkalugi ng isang bangko o maglagay sa bangko sa kapahamakan.

Nung 2017, nanakawan ng $81 milyon ang central bank ng Bangladesh at ginamit sa pagnanakaw dito ang Rizal Commercial Banking Corporation ng mga Yuchengco. Nagturuan ang mga opisyal nito kung sino ang may kasalanan at nilaglag din ng bangko ang branch manager ng isang branch kung saan inilabas ng cash ang ninakaw na $81 milyon kaya pinagmulta ang bangko ng mahigit P1 bilyon.

Kasama sa mga inaprubahan ng MB ang pagsisibak ng opisyal o direktor sa government institution ang sinumang ma-convict dahil sa paglabag ng charter ng Philippine Deposit Insurance Corp.

Ang mga madi-disqualify ay sinasama sa blacklist, o isang watchlist database at hindi na sila maaring pumasok sa kahit anong bangko o financial institution na sinu-supervise ng BSP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?