79
kiko-pangilinan
By

Pag-aresto kay Ressa maliwanag na harassment – Pangilinan

Mariing kinundena ni Senador Kiko Pangilinan ang pag-aresto kagabi kay Rappler chief executive officer Maria Ressa.

Ayon kay Pangilinan, pangulo ng Liberal Party (LP), maliwanag itong panggigipit kay Ressa dahil sa mga ulat ng online news agency nito.

“This is a clear case of the powerful harassing those whose duty is to keep them in check,” pahayag ni Pangilinan.

“Like our partymate Sen. Leila de Lima before here, Maria Ressa now stands as a beacon of speaking truth to power, and upholding the very principle that make us a modern, democratic nation,” dagdag nito.

Nanawagan ito para kampihan at ipagtanggol si Ressa gaya ng pagtindig nilang mga taga-LP.

“Inuunti-unti at dinadahan-dahan ang bawat institusyong maaring tumindig laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Kailangang palagan ito – bawat pulgada, bawat hakbang na may nangyayaring ganito, kailangan nating magsalita, magbuklod, sabihin sa mga nasa poder,” dagdag pa rin ni Pangilinan.

“Hindi kami papayag, at hindi nag-iisa si Maria. Kailangan nating gumuhit at sabihing nasa panig tayo ng katotohanan at katarungan. Nasa panig tayo ng malayang pamamahayag. Nasa panig tayo ni Maria Ressa,” sabi pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?