75

Aug 28, 2019 @ 16:32
By

Pag-apruba sa investment scheme ng Kapa, itinanggi ng BSP

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala itong inaaprubahang investment scheme ng Kapa Community Ministry International Inc. at hindi nito kinukuwestiyon ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay nito.

Ayon sa BSP, hindi napapailalim ang Kapa sa supervision nito at wala itong inilalabas na issuance tungkol sa Kapa.

Inilabas ng BSP ang klaripikasyon dahil sa mga lumalabas sa social media na inaprubahan daw nito ang investment scheme ng Kapa, na ipinasara nitong taon at isinailalim na sa freeze order ang mga ari-arian para mabayaran ang mga nauto nito.

“Kapa is not a BSP-supervised entity,” sabi ng BSP. “SEC has already issued a cease and desist order against Kapa in February 2019 and an order of revocation of its certification of incorporation in April 2019 after Kapa was found to have been soliciting investments from the public without the necessary license, and that its investment scheme qualifies as a fraud and a Ponzi scheme,” dagdag ng BSP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?