66

By

Pacquiao todo-kendeng kina Princess, Queenie

Senator, boxer, dancer.

‘Yan ngayon ang peg ni Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Sa instragram video na pinost ng fighting senator Sabado, makikitang cool na cool siyang umiindayog kahilera sa misis niyang si Jinkee habang tinuruang sumayaw ng dalawa nilang anak na babae na sina Princess at Queenie.

@mannypacquiao: “Our daughters teaching us how to be cool,” saad ng eight-time world professional boxing champion sa kanyang IG kung saan sobrang groovy nilang sinayaw ni Jinkee ang awiting ‘The Weekend’ ni Sza kasabay ng dalawa nilang prinsesa.

Umabot na sa 49K ang views ng video ng Pinoy ring icon kung saan marami rin ang nag-react.

“Too cute!! Boxers can be dancers too! In case you need dancers for concerts @sza we have 4 ready for you!!,” bilib na comment ni @angela_m_l.

Ilang araw pa lang, nag-throwback si Pacman sa kanyang nagdaang 25 taon bilang professional boxer hanggang maging eight-time division champion.

“January 22, 1995 – 25 years ago today, I started my professional boxing career,” paunang caption ni Pacquiao sa kanyang IG story na makikita ang litrato niyang 16-anyos pa lang.

Nakasaad rin ang kuwento ng buhay niya at kung paano niya ginamit ang boxing upang iangat ang sarili at pamilya sa kahirapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?