113
Pacquiao sunod sa yapak ni Mayweather
By

Pacquiao sunod sa yapak ni Mayweather

Pumirma ng kontrata si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa Japanese mixed martial arts organization na Rizin, ang nag-organisa ng exhibition bout ni Floyd Mayweather noong nakaraang taon.

Ayon sa CEO ng kompanya na si Nobuyuki Sakakibara, sinadya niya sa Pilipinas si Pacquiao para mapabilang sa kanilang kompanya.

“I’m here in the Philippines. RIZIN.15 will have this man involved in a way. We will be ready to announce as I get back to Japan!” saad sa tweet ni Sakakibara.

Hindi pa ipinabatid ng Rizin CEO kung ano ang magiging papel ni Pacquiao sa event ng kanilang organization.

Noong New Year’s Eve ay itinampok ng Rizin ang laban ni Mayweather na pinabagsak ang kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?