54
Pacquiao sopla sa rematch kay Floyd
By

Pacquiao sopla sa rematch kay Floyd

Tiniyak ni Mayweather Promotion CEO Leonard Ellerbe na hindi na muling lalabanan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao maski si Saul ‘Canelo’ Alvarez.

Isang malaking tanong ng mga tao kung may magaganap na rematch sa pagitan nila Floyd at Manny dahil sa paulit-ulit na patutsadahan ng dalawa sa kani-kanilang social media account.

Kaya naman nag-anunsyo na ang Mayweather Promotions na kung papaya ito sa rematch ay malalaman agad ni Pacquiao.

“Floyd’s just being him and doing him. If Floyd wanted to run that back (with Pacquiao), he’ll let y’all know. He’d come out and he’d make an announcement,” pahayag ni Ellerbe.

Matatandaan rin na naglabas si Pacquiao ng video na hinahamon niya muli ang 42-anyos na American undefeated fighter kasama ang Chinese billionaire na si Jack Ma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?