144

By

Pacquiao sasawsaw sa SEAG opening

Isang espesyal na partisipasyon ang gagawin ni eight-division world champion at Senador Manny Pacquiao para sa nalalapit na engrandeng pagbubukas ng iho-host ng Pilipinas na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang sinabi ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano bagaman hindi nito inihayag kung ano ang gagawin ng isa ding mahusay na singer at musician na si Pacquiao.

“I can confirm, may role siya,” sabi ni Cayetano sa send-off ng mga national athlete sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

“I think that’s part of the surprise. He’s one of the most known Filipino sports icon sa buong mundo so I think we are selling the country short kung hindi natin isasama ang Pambansang Kamao,” sabi ni Cayetano.

Una nang itinakda ang pagtatanghal ng kilala sa buong mundo na si Apl De Ap ng premyadong grupo ng Black Eyed Peas na inaasahan ding magbibigay at magpapakita ng kanilang talento.

Kakantahin din ni Lea Salonga ang opisyal na theme song ng torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?