85

By

Pacquiao pinuri sa pagbabalik-eskuwela

Umani ng paghanga at papuri si Senador Manny Pacquiao matapos niyang i-post noong Biyernes, Setyembre 6, sa kanyang Instagram ang kanyang school ID kung saan makikitang kumuha siya ng kursong Political Science sa University of Makati (UMak).

Malaking inspirasyon diumano sa mga Pilipino ang muling pag-aaral ni Pacquiao sa kabila ng pagiging ganap na senador at professional boxer.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizen:

@wilsonkubayo: “You’re setting a great example. You are super great and I wish we have more people like you”

@armandomarinero: “Awesome! Thank you for always motivating people in their faith, education and so much more”

@iambethbatarilan: “Yes, it is not too late and sa tingin ko makatalino kayo Senator Manny”

@josiecelestial: “Saludo kami s’yo, kahanga-hanga, dapat kayong tularan”

@sansaknows: “Mas bilib ako sa kayang gawin ni Sen Manny kesa mga politkong may hawak na matataas na diploma.”

Sa ngayon, umani na ang IG post ni PacMan ng 209,951 likes at 2,757 comments.

Bago nag-enrol sa UMak, nag-aral din si Pacquiao ng business management program sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City subalit hindi niya ito natapos.

Ginawaran naman si Pacquiao ng honorary doctorate degree in humanities by Southwestern University sa Cebu City noong 2009.

Nagtapos sa high school si Pacquiao noong 2007 matapos makapasa sa accreditation and equivalency test sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?